Fully vaccinated travelers mula sa “green countries”, pwede nang hindi sumailalim sa facility-based quarantine simula ngayong araw

Simula ngayong araw, October 14, hindi na kailangan pang sumaillaim sa facility-based quarantine ang mga fully vaccinted na inbound Filipinos at foreign travelers mula sa “green countries” o mga bansang may mababang kaso ng COVID-19.

Pero, ito ay kung makakapagpakita sila ng negative COVID-19 test result bago bumiyahe papuntang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat na ginawa ang RT-PCR test 72 oras bago umalis ang biyahero sa kanyang bansang pagmumulan.


Gayunman, hinikayat pa rin sila ng pamahalaan na mag-home quarantine at i-monitor ang sarili sa loob ng 14 na araw.

Pero may opsyon pa rin na sumailalim sa facility-based quarantine ang mga fully vaccinated travelers kung magpapa-test lamang sila pagkarating ng bansa.

Ibig sabihin, kinakailangan nilang manatili sa pasilidad habang hinihintay na lumabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Facebook Comments