Functional Literacy, pinalalakas ng pamunuan ng Pasig City Government

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na para magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan ang mga kabataan ay kinakailangan umanong pataasin ang functional literacy sa lungsod para maraming mga kabataang marunong magbasa at umunawa ng kanilang mga binabasa.

Ayon kay Mayor Sotto ang Local Government ng Pasig, katuwang ang mga pribadong indibidwal ay nagsimula ng sinanay ang mga teachers upang matuto o masanay sila ng mga bagong kaalaman at estratehiya sa pagtuturo ng pagbabasa.

Paliwanag ng alkalde malaki pa aniya ang kailangan ng Local Government ng Pasig na i-improve pagdating sa functional literacy ng mga kabataan at kung hindi aniya  magaling magbasa ang isang bata ay  unti-unting  na umano itong napapag-iwanan  sa  kanyang mga kaklase.


Dagdag pa ni Sotto kung hindi umano marunong magbasa ang isang bata,ay maiiwan lang siya sa lahat ng iba pang subject o asignatura.

Giit pa ng alkalde kinakailangan na umanong mag focus ang mga kabataan sa pagbabasa kung saan sinimulan na nila ito  sa pagsasanay sa mga teacher at  ang susunod naman nilnag gawin  ay ang mga reading camp  lalo na umano pagdating ng summer.

Facebook Comments