Functions o tungkulin ng bagong tatag na OPCOS, inilatag ng Malakanyang

Inisa-isa ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga tungkulin ng bagong tatag na Office of the Presidential Chief of Staff o OPCOS kung saan itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Atty. Victor Rodriguez, matapos nitong magbitiw bilang executive secretary nitong weekend.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang Presidential Chief of Staff o ay direktang mapasasa ilalim sa supervision ng presidente.

Pero, binigyang diin ng OPS na ang draft special order na humihiling ng dagdag na functions ng OPCOSS ay ibinasura ni Pangulong Marcos base na rin sa rekomendasyon ng kaniyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.


Nakasaad sa Administrative Order Number 1 na ang Office of the Presidential Chief of Staff ay may pangunahing tungkulin na pangasiwaan o i-supervise at tiyakin ang mahusay at tuloy-tuloy na pang araw-araw na operational support sa pampanguluhang pwesto upang makatutok ang presidente sa strategic national concerns.

Ayon pa kay Angeles, ang administrative order na lumilikha sa OPCOS ay may katulad na ranggo ng cabinet secretary.

Batay din aniya sa administrative order, ang OPCOS ay tutulungan ng isang senior deputy chief of staff na may ranggong secretary at dalawang deputy chiefs of staff na may ranggong undersecretary, assistant secretaries, at ilang directorial at iba pang administrative staff kung kinakailangan.

Ang immediate staff ng Presidential Chief of Staff ay huhugutin mula sa una nang binuwag na mga ahensiya tulad ng Office of the Cabinet Secretary at Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Sa kabuuan ang OPCOS ay magsisilbing coordination mechanism ng Office of the President.

Ito ang mangangasiwa sa security monitoring na responsible sa pagbibigay ng regular na situation reports sa presidente sa real-time basis.

Facebook Comments