Senado, nagbigay-pugay kay yumaong Queen Elizabeth II

52
Photo Courtesy : Senate of the Philippines

Nagbigay-pugay ang Senado kay yumaong Queen Elizabeth II.

Ito ay matapos ipinasa kahapon ang Senate Resolution No. 14 na nagpapahayag ng malalim na simpatiya at taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng longest-reigning monarch ng Britanya.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, si Queen Elizabeth II ay maaalala bilang simbolo ng stability na naging mahalaga ang gampanin sa kasaysayan ng kaniyang bansa sa nakalipas na 70 taong pamamalakad.


Ipinresenta naman ni Zubiri at ng ibang senador ang resolusyon kay British Ambassor Laure Buaufils na nakasuot ng itim bilang pagdadalamhati sa yumaong reyna.

Facebook Comments