Fund transfer ng PAGCOR sa PhilHealth, nalalapit na

Malapit nang mapirmahan ang guidelines para sa paglipat ng bilyu-bilyong piso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang tiniyak nina PhilHealth Spokesperson Rey Balena at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos kwestyunin ni Senator Panfilo Lacson ang ₱17 billion na halaga ng PAGCOR funds na hindi pa naililipat sa PhilHealth.

Ayon kay Balena, mayroong joint circular ang kasalukuyang isinasapinal at nakatakdang lagdaan ng mga kaukulang ahensya.


Sinabi naman ni Vergeire, nakasaad sa Universal Health Care Law na kailangang mayroong operational guidelines para sa paglilipat ng pondo.

Pero hindi pa makapagbigay ng eksaktong timeframe sina Balena at Vergeire para sa pagpapatupad ng guidelines.

Sa ilalim ng UHC law, 50% ng national government share sa kita ng PAGCOR ay dapat nare-remit sa PhilHealth.

Facebook Comments