Pilot study para sa motorcycle taxis, aarangkada muli sa Lunes

37

Magsisimula na sa Lunes, November 23, ang pilot study para sa motorcycle taxis.

Ito ay matapos ipag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Land Transportation Office (LTO) na ipahintulot ito.


Sa statement ng LTO, sakop ng pilot study ang mga motorcycle hailing services gaya ng Angkas, Move It, at JoyRide.

Sa ilalim ng pilot study, kailangang nasusunod pa rin ang guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19.

Matatandaang inendorso ng IATF ang muling pagsasagawa ng pilot study.

Facebook Comments