Funeral service ng pinatay na black American na si George Floyd, sasagutin ni US Boxing Champion Floyd Mayweather

39

Inalok ni US Boxing Champion Floyd Mayweather Jr. ang pamilya ng pinatay na black American na si George Floyd na kanyang sasagutin ang funeral service nito.

Ayon kay Mayweather, isa ito sa tanging maitutulong niya sa pamilya ng biktima ng racism sa Amerika.


Labis kasi aniya ang lungkot na kanyang naramdaman sa nangyari kay Floyd na nasawi sa kamay ng mga pulis ng Minneapolis.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng anumang reaksyon ang mga kaanak ng nasawing si Floyd.

Facebook Comments