Future health emergencies, sakop din ng batas para sa tuluy-tuloy na benepisyo ng mga health care workers

Tinitiyak ni Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na sakop din ng batas na pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga health care workers ang mga health emergencies sa hinaharap.

Ayon kay Zarate, ngayong batas na ang Republic Act No. 11712 o “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act”, ay mas napatatag at mas sigurado ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers mula sa gobyerno.

Bukod dito, natitiyak din sa batas na hindi lamang ngayong COVID-19 pandemic mabibigyan ng karampatang benepisyo at allowance ang mga medical workers kundi pati na rin sa mga susulpot pang health emergencies sa hinaharap.


Ikinalugod naman ni Zarate ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na siya mismo ang isa sa mga pangunahing may-akda sa Kamara.

Sa ilalim ng batas ay saklaw sa mabibigyan ng mga benepisyo, allowances at ibang insentibo ang mga public at private health workers gayundin ang mga non-healthcare workers anuman ang kanilang employment status sa panahon na idineklara ang public health emergency hanggang sa matapos ito.

Facebook Comments