Halos 8.5-M pasahero, napagsilbihan sa unang buwan ng Libreng Sakay ng MRT-3

57

Mula Marso 28 hanggang Abril 30, umabot sa 8,472,637 pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT 3.

Sa loob ng nasabing mga petsa, nasa average na 309,013 na mga pasahero ang naka-avail ng free ride program mula lunes hanggang biyernes.

Tumaas ito ng 27.8% mula sa 241,800, ang naitalang weekly average mula Marso 1-27, 2022 bago ang programang libreng sakay.


Samantala, naitala ang pinakamataas na single-day ridership noong Abril 8, na umabot sa 335,993 na pasahero.

Facebook Comments