COVID-19: Mandatory Self-Quarantine ipinapatupad sa Ilocos Norte, supply ng alcohol at face mask nagkakaubosan na

iFM Laoag – Nagpalabas ng Executive Order si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na ipapatupad ang Self-Quarantine sa lahat ng mga papasok sa probinsia mula sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

Ayun sa gobernador, ito ay alinsunod sa Proclamation No. 922 ni Presidente Rodrigo Duterte na paglagay sa State of Public Health ang bansang Pilipinas noong lingo. Dito inatasan ang lahat ng mga government Offices sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa, na magkaroon ng tamang kaalaman sa nasabing sakit at ang pag-iwas nito.

Ang Self-Quarantine ay mangyayari sa loob ng labing-apat na draw (14) mula sa araw ng pagdating ng mga balik-bayan at tutotokan ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).


Ipinapakansela rin ng gobemador ang lahat ng pampubliko na pagtitipon na nmadng dagsain ng maraming tao upang maiwasan ang paglaganap ng nasabing sakit.

Ganun paman, wala paring insidente ng COVID-19 sa lalawigan, ngunit lumalabas na nagkakaubosan na ng supply ng alcohol at face mask dito. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments