Gabay at pagpili ng kurso sa kolehiyo, ipinatuturo sa mga high school students

Manila, Philippines – Inihain ngayon sa Kamara ang panukalang batas sa pagkakaroon ng career and guidance program para sa mga high school students.

Sa sandaling maging ganap na batas ang inaprubahang panukala ng House Committee on Basic Education and Culture para sa pagkakaroon ng career and guidance program ay mabibigyan na ng sapat na direksyon ang mga mag-aaral kung anong kukuning kurso sa kolehiyo.

Nakapaloob sa panukala ang pagbuo ng National Secondary School Career Guidance and Counseling Program (CGCP) na pangangasiwaan ng Department of Education (DepEd).


Matutugunan ng problema sa pagpili ng kurso ang pagkakaroon ng career guidance and counseling sa secondary level base sa kanilang kapasidad o skills at kakayahan, oportunidad sa trabaho at accessible tertiary education o technical education/skills development programs.

Ipatutupad ang CGCP sa lahat ng public at private secondary education institutions na pasisimulan sa Grade 7 level at magiging prerequisite din ito sa senior high school graduation.

Naatasan naman ang DepEd at ibang kaukulang ahensya na magbuo at magrebyu ng Career Guidance and Counseling Instructional Module (CGCIM) kung saan magsisilbi itong basic instructional material upang magbigay gabay sa mga secondary students sa pagkuha nila ng kurso.
Nation”

Facebook Comments