Pagpugot ng ASG sa kanilang bihag, kinondena ng gobyerno

39

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pagpugot ng teroristang grupong Abu Sayyaf sa kanilang bihag na si Noel Besconde noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng dapat gawin para mapanagot ang mga terorista at makita naman ang katawan ng biktima.

Umapela naman si Abella sa publiko na manatiling mapagmatiyag at agad na makipagugnayan sa mga otoridad sakaling may malamang impormasyon ng banta sa seguridad.

Dapat aniya ay magtulungan ang lahat upang matiyak na mapapanatiling ligtas at tahimik ang banda mula sa banta ng terorismo.
Nation”

Facebook Comments