Gabi ng Kabataang Cauayeño, Gaganapin na bukas!

81

Cauayan City, Isabela – Gaganapin na bukas ng gabi ang Gabi ng Kabataang Cauayeño na pangungunahan ng mga kabataan dito sa lungsod ng Cauayan.

Ito ang ibinahagi ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan.


Aniya, sasabayan ng nasabing programa ang Search for Oustanding Kabataang Cauayeño.

Magiging bisita bukas ang actor-singer na si Juan Karlos Labajo.

Kaugnay nito, gaganapin naman ang Grand Coronation Night ng Mutya ng Cauayan 2019 sa Abril 12, 2019 sa FLDy Coliseum.

Inaasahan naman ang pagdating ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach upang pangunahan ang hosting ng nasabing coronation.




Samantala, nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga NGO’s sa kanilang tulong sa pagdaraos ng pista ng Cauayan City.

Facebook Comments