Gabi ng Kabataang Cauayeño | Top 3 Outstanding SK Councils, Iaanunsyo na!

*Cauayan City, Isabela-* Abalang-bala na ngayon ang mga SK Officials ng Lungsod ng Cauayan para sa Gabi ng Kabataang Cauayeño na gaganapin sa FL Dy Coliseum, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay SK Federation President Charlene Joy Quintos, magsasagawa ngayong umaga ng Young Leader’s Summit na pangungunahan ng mga SK Officials para sa mga student’s leader upang mabigyan ang mga ito ng inspirasyon na ibabahagi rin sa mga kabataan.

Bukod dito, inaabangan na ang mainhighlight para sa mga kabataan ang “Gabi ng mga Kabataan” kung saan magiging bisita ang actor-singer na si Juan Carlos Labajo bilang bahagi sa Gawagaway-yan Festival ng Lungsod.


Iaanunsyo na rin mamayang gabi ang mapipili na Top 3 Outstanding SK Councils at Top 10 Outstanding Kabataang Cauayeño.

Magugunita na kabilang sa Top 15 finalist ay ang Brgy. Nagrumbuan, Marabulig 1, Pinoma, Casalatan, San Pablo, Baculod, Villa Conception, Sta. Maria, Labinab, Guayabal, San Fermin, Alicaocao, District 3, Cabaruan at Brgy. District 2.

Makakatanggap ng iba’t-ibang halaga ang tatlong Outstanding SK Councils mula sa LGU Cauayan para sa kanilang isasagawang proyekto.

Ayon pa kay Quintos, Imbitado ang lahat na manood at makiisa para sa Gabi ng Kabataang Cauayeño.

Facebook Comments