Gabinete Ni President-Elect Rodrigo Duterte, Kumpleto Na. Tourism, Health At Dti Secretary – Pinangalanan Na

56

MANILA – Inanunsyo na ng kampo ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga kukumpleto sa gabinete ng susunod na administrasyon.Ayon kay incoming Deputy Presidential Spokesperson Ernie Abella, kabilang dito sina Dr. Paulyn Jean Rosell-Ubial bilang kalihim ng Department of Health (DOH) kung saan kasalukuyan itong Assistant Secretary ng DOH.Itinalaga naman ang may-ari ng mount apo travel and tours na si Wanda Corazon Teo bilang Tourism Secretary.Magsisilbi naman bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ang negosyanteng si Ramon Lopez na siyang Executive Director ng “Go Negosyo”.Una rito, pinili na rin ni Duterte si Professor Jose David Lapuz bilang bagong Chairman ng Commission on Higher Education (CHED).

Facebook Comments