Patong Sa Ulo Nina Duterte At Dela Rosa, Itinaas Na Sa Isang Bilyong Piso

8

MANILA – Muling hinamon ni incoming PNP Chief Supt. Ronald dela Rosa ang mga drug lord na ilabas ang kanilang tapang kasunod ng report na itinaas na sa P1 bilyon ang patong sa kanilang ulo ni President-elect Rodrigo Duterte.Ayon kay dela Rosa, hindi na siya natatakot sa ganitong ulat dahil siya mismo ay wala nang kinatatakutan dahil tapang na lamang ang natitira sa kaniya.Sinasabing nag-ambag na ang nasa top 20 na drug lord New Bilibid Prison (nbp) para makalikom ng isang bilyong pisong pabuya sa sinumang makakapatay sa kanila.Maliban kina Duterte at dela Rosa, kasama din sa umano’y “kill-list” sina incoming Senator at dating Justice Secretary Leila de Lima at si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ricardo Rainier Cruz III.

Facebook Comments