Pinagpapaliwanag ngayon ng Gabriela sa kamara ang dalawang water concessionaires sa kanilang i-pinapatupad na water interruption.
Ayon sa Gabriela, nasa humigit kumulang 186 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mas mataas sa minimum operating level na 180 meters at higit na mas mataas pa sa critical level na 160 meters.
Dahil dito, tinawag ng grupo na pekeng water crisis ang sinasabing kakulangan ng suplay ng tubig sa Angat Dam na kailangang tipirin para umabot sa summer months sa susunod ng taon na anila ay panibagong pahirap nanaman sa mga consumers.
Hinihingan pa ng Gabriela ng mas matibay na batayan at ‘terms’ sa water service interruption ang Maynilad at Manila Water.
Uma-alma din ang mga kongresista na wala ding inanunsyo ang mga water concessionaires kung hanggang kailan ipa-patupad ang water interruption.
Hinihingan din ng paliwanag ang mga water concessionaires sa status ng cardona water treatment plant na dapat sana ay operational na noon pang Agusto.