Manila, Philippines – Sa Denmark, naka-isip ngayon ng kakaibang ideya ang mga gamer para mapanatatiling mainit o hindi nilalamig ang kanilang kamay habang naglalaro.
Ang Envavo Heatbluff, na isang uri ng infrared heat lamp na naimbento ng magkaibigan na sina Emil Frolund at Mats Sorensen.
Kwento ng magkaibigan, sa sobrang lamig sa kanilang bansa ay naninigas na ang kanilang mga kamay habang buong magdamag naglalaro ng counter strike kaya’t nakaisip sila ng ideya para manatiling mainit ang kanilang mga kamay habang naglalaro.
Ang nasabing infrared heat lamp, ay ipu-pwesto mo lamang sa harap ng iyong keyboard at siguradong hindi na lalamigin ang iyong mga kamay at mananaitling mainit ang iyong paglalaro.
Nagkakahalaga naman ito ng $71.00 o katumabas ng P3,550 na ma-o-order mo lang via on-line.