Pia Wurtzbach, ibinida ang paglabas nito sa isang music video

160

Manila, Philippines – Excited na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa nakatakdang paglabas ng music video na kanyang kinakatampukan.

 

Ayon sa dating Pinay Miss Universe, ngayong araw ilalabas ang music video ng Lebanese Canadian R&B/pop singer na si Sari Abboud o mas kilala sa stage name na Massari.

 

Sa kanyang ig account ay nagpatikim si Pia ng pagbida nito sa naturang music video na pinamagatang “So Long.”

 

Nabatid na kahit tapos na ang kanyang Miss Universe reign, abala pa rin si Wurtzbach sa mga charity work, gayundin sa endorsements, at magiging guest judge pa sa Asia’s Next Top Model kung saan nag-e-enjoy siya Boracay kasama ang car racer boyfriend at pamilya.


Facebook Comments