Ipinagmalaki ng Commission on Election (Comelec) ang bagong Automated Counting Machines (ACM) o makina na gagamitin para sa darating na 2025 elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas pinaganda kasi ang feature ng bagong makina at mas pinabigat pa ang battery feature nito.
Maaari kasing magamit sa loob ng 84 hours o mahigit tatlong araw ang naturang machine kahit pa magkaroon ng brownout o ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa mismong araw ng botohan.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Comelec Chair Garcia na mas pinabilis na ang pag-audit sa mga paper machine dahil kung dati ay mabagal ang pag-operate ng machine na nasa 70 mm per second ngayon ay nasa 200 mm per second na lamang.
Kanina lamang nang isailalim sa test configuration at demonstration ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) ang makina para matiyak na maayos ito at gagana para sa darating na 2025 Election.
Samantala, ang lahat ng ACM o makina ay kasalukuyan pang nasa bodega sa Sta. Rosa, Laguna ng komisyon habang inaantay pa ang pagdating ng iba pa mula sa South Korea.