GAGANAPIN NA | Pre-bid conference para sa procurement ng pre-printed driver’s license card, itinakda ng lto sa May 15

49

Manila, Philippines – Itinakda ng Land Transportation Office (LTO) ang pre-bid conference para sa procurement ng pre-printed driver’s license card sa susunod na Linggo.

Sa abiso ng LTO, gaganapin ang pre-bid conference sa May 15, alas-2 ng hapon sa kanilang main office sa East Avenue, Quezon City.

Ayon kay Bids And Award Committee (BAC) Chairman Romeo Vera Cruz – inaprubahang budget sa proyekto ay 312 million pesos.

Hindi naman binanggit sa abiso kung ilang lisenya ang maaring gawin ng mananalong bidder.

Ang bagong driver’s license ay valid ng hanggang limang taon at mayroong 32 security features.

Facebook Comments