Naisukong mga baril sa Cotabato City nadagdagan pa

17

*Nadagdagan pa ang bilang ng mga isinukong armas mula sa ibat-ibang barangay sa Cotabato city.Mula sa apat naput apat na baril at anim na explosives ay ngayon umakyat na ito sa 55 na baril, na inihabol ng ilang kapitan na isuko noong sabado matapos na epresenta kay PRO-12 Director PC/Supt.Marcelo Morales ang naisurender na armas.*
*Nagpasalamat si General Morales kay Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi dahil sa kanyang ginawang effort na magkaroon ng Balik Baril program, na nag-iisang siyudad sa region 12 na nakapagsuko ng maraming baril.Humanga din ang heneral sa alkalde dahil sa ginagawang pagroronda nito sa gabi upang bumaba ang crime incident sa lungsod.*
*Inihayag naman ni Mayor Guaini Sayadi na madgdagan pa ang isusukong armas dahil marami na ang nagpahayag na isurender na nila ang nakatago nilang loose firearms.*

Facebook Comments