Gaganaping ASEAN leaders meeting sa bansa, tiniyak na ligtas ng AFP

Manila, Philippines – Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na magiging ligtas ang pagdaraos ng ASEAN Leaders Summit ngayong Linggo na ito sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Pandilla sa harap narin ng mga balitang lumalabas na may kaugnayan sa banta ng terorismo.

Ayon kay Padilla, walang nakikitang seryosong banta sa mga gaganaping ASEAN activities sa Metro Manila at mula ito sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan o ang intelligence community.


Tiniyak din ni Padilla na nakabantay ang lahat ng puwersa ng pamahalaan sa ginaganap na international event na pinangungunahan ng Pilipinas.

Sa kabila nito ay umaasa din naman si Padilla na magiging maayos ang ASEAN meeting ng mga ASEAN leaders.
DZXL558

Facebook Comments