Maituturing na iligal ang magaganap na meeting ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na inorganisa ni Senator Manny Pacquiao na mangyayari sa Setyembre.
Ayon kay PDP-Laban Secretary-General Attorney Melvin Matibag, batay sa Konstitusyon malinaw na ang chairman lang ng partido na si Pangulong Rodrigo Duterte ang maaaring magpatawag ng national council meeting.
Sa ngayon, nagpatawag na ng “ceasefire” si Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez para sa pag-atake sa panig ni Senator Pacquiao.
Batay kasi sa pahayag na inilabas ni Rodriguez, ito ay para magkaroon na kapayapaan sa isip si Senator Pacquiao lalo’t nalalapit na ang laban nito sa American boxer na si Errol Spence Jr., na magaganap sa August 21.
Nanawagan naman ng suporta si Rodriguez sa mga Pilipino dahil muling dadalhin ni Pacquiao ang bandila ng Pilipinas para lumaban sa larangan ng boksing.