Pinaghahandaan na ng mga organizer ng Tokyo 2020 Olympics ang ilang mga adjustments sa pagbubukas nito sa ika-23 ng Hulyo 2021.
Ilan dito ay ang pagkakaroon ng simpleng mga seremonya at limitadong bilang ng mga taong manonood sa bawat laro.
Ayon kay Tokyo Governor Yuriko Koike, mas mabuting maging simple ang seremonya kaysa tuluyan itong kanselahin.
Titipirin din aniya nila ang opening at closing ceremonies dahil ilang milyon na rin ang kanilang nagastos nang ito ay kanselahin.
Facebook Comments