Galing At Puso Presidential Candidate Sen. Grace Poe, Umalma Kay Mayor Rodrigo Duterte

3

MANILA – Umalma si Galing at Puso Presidential Candidate Sen. Grace Poe sa panibagong bintang ni Mayor Rodrigo Duterte at ka-tandem nitong si Sen. Alan Cayetano.Ito’y matapos sabihin ng tambalang Digong-Cayetano na ang Senadora umano ang nasa likod ng mga isiniwalat ni sen. antonio trillanes tungkol sa isang bank account ni Duterte na may lamang P200 milyon.Ayon kay Poe, hindi niya kayang manahimik laban sa mga patutsadang ito dahil wala siyang dapat patunayan.Sa halip, dapat anyang patunayan nina Duterte at Cayetano ang nasabing alegasyon laban sa kanya, dahil malabo umanong bayaran niya si Trillanes para ilabas ang mga ito.Dagdag ni Poe, pareho nilang ayaw ang korapsyon at ito pagkakataon na mapatunayan ni Duterte na wala syang itinatagong yaman sa bangko kung saan isa ang alkalde sa mga naunang pumirma ng waiver sa Bank Secrecy Law.Nauna nang umalma si Poe sa rape joke na binitawan ng Alkalde sa isang sortie sa Quezon City.

Facebook Comments