Lp Standard Bearer Mar Roxas, Hinamon Si Mayor Rodrigo Duterte Na Ipaliwanag Ang Akusasyon Ng Tagong Yaman

4

MANILA – Hinamon ni Administration Standard-Bearer Mar Roxas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ipaliwanag sa taong bayan ang lumabas na dokumentong nagsasabi na may tagong yaman ang alkalde ng mahigit P211 milyon.Ayon kay Roxas, ang pagtitiwala ng mamamayan sa isang kandidato, ang isa sa mahalagang basehan ng mga botante sa darating na Mayo 9.Anya, karapatan ng bawat pilipino na malaman ang tunay na paliwanag ni Duterte sa mga naglabasang tagong yaman ng Mayor.Sabi ni Roxas na ang katiwalian ang isa sa nilalabanan ng daang matuwid at mahalaga sa Pilipino na mabigyan ng tapat at tamang serbisyo.Dagdag pa ni Daang Matuwid Presidential Candidate na handa siyang pumirma ng waiver para buksan sa publiko ang kanyang kayamanan at hinikayat din nito ang ibang kandidato na gawin ito.

Facebook Comments