GALIT | Pagkakaroon ng mga rebelde ng mga bala ng baril na may marka ng AFP, ikinabahala

Galit at pagbahala ang naramdaman ni Senator Win Gatchalian makaraang nakumpiska ang mga bala ng baril na may marka ng AFP mula sa mga nagsusuplay ng baril sa mga rebeldeng grupo na umano ay may koneksyon sa teroristang grupong ISIS.

Diin ni Gatchalian, nakakabahalang isipin na ang mga baril at balang gamit ng mga rebelde at terorista upang maghasik ng lagim ay mismong mga baril at bala pala na dapat ay nasa kamay ng ating Sandatahang Lakas.

Bunsod nito ay pinuri ni Gatchalian ang pagkatuklas ng PNP sa nakakagulat na modus na ito.


Kasabay nito ay nanawagan si Gatchalian sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng nabanggit na pagtatraydor.

Giit ni Gatchalian, hindi natin dapat hayaan na mismong mga bala ng baril nila ang pumatay sa ating mga sundalo.

Facebook Comments