TULONG | Malalaking coconut oil millers, bibilhin ng mas mataas ang produkto ng mga magniniyog

Nangako ang malalaking coconut oil millers na tutulong upang maibangon ang lugmok na kabuhayan ng mga magniniyog sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel PiƱol, mamimili na ang coconut oil millers ng copra direkta sa mga coconut farmers sa mill gate price na P24 per kilo.

Nabuo ang inisyatiba sa diyalogo na ginawa ng Agriculture department sa mga coconut millers.


Nangako din si PiƱol na bibigyan ng dagdag na ayuda ang mga coco farmers para sa panimulang kapital.

Magkakaloob ang DA ng financial assistance sa mga magniniyog sa ilalim ng Easy Access Credit.

Facebook Comments