Humingi ng paumahin si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. matapos maudlot ang vaccination ng ilang Local Government Units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Galvez, nagkaroon ng problema matapos na magkaubusan ng suplay ng bakuna.
Aniya, mataas talaga kasi ang demand sa mga bakuna sa buong mundo.
Tiniyak naman ni Galvez sa publiko na magiging normal ang supply ng COVID-19 vaccine sa Hunyo 14 kasunod ng inaasahang pagdating ng bulto ng mga bakuna.
Kabilang dito ang 1-million dose ng Sinovac, mahigit 2.2-million dose ng Pfizer-BioNTech at 100,000 dose ng Sputnik V.
60% ng mga bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus.
Facebook Comments