Landmine attack ng NPA sa Masbate, kinondena ni VP Robredo

53

Mariing kinondena ni Vice President Leni Robredo ang nangyaring landmine blast sa Masbate City na ikinasawi ng football player na si Keith Absalon at kaniyang pinsan na si Nolven.

Ayon kay Robredo, ang naturang insidente ay paglabag sa batas, sa karapatang pantao at sa mga patakaran ng pakikidigma ang paggamit ng la\ndmine.


Aniya, hindi ito maituturing na pakikibaka dahil labas ito sa usapin ng paghahangad na matigil ang hidwaan.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay at dasal si Robredo sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments