Galvez, inirekomendang simulan na ang pagbabakuna sa iba pang essential workers

Inirekomenda ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na kung maaari ay maumpisahan na rin ang pagbabakuna sa iba pang essential workers kahit hindi pa tapos ang pagtuturok sa mga healthcare workers.

Ayo kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ito ay para ma-sustain ang ekonomiya ng bansa habang pinangangalagaan ang kaligtasan ng mga medical frontliners.

Ganito rin aniya ang ginawa ng Amerika, Indonesia at Israel kaya napabilis ang pagbabakuna nila sa kanilang mamamayan.


Ayon kay Galvez, ipinarating na nila sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang nasabing rekomendasyon.

Samantala, may hanggang bukas na lang ang mga ospital para tapusin ang pagbabakuna gamit ang unang dose ng AstraZeneca vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang matitirang bakuna ng mga ospital ay babawiin muna ng ahensya para maipamahagi sa Metro Manila.

Giit ni Vergeire, hindi maaaring itambak na lamang ang mga bakuna lalo ngayon na kailangang-kailangan ito sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa NCR.

Facebook Comments