12Nais ng Gamaleya Institute of Russia, ang manufacturer ng Sputnik V COVID-19 vaccine na amiyendahan ang kanilang emergency use authorization (EUA).
Ito ay para pahabain ang interval o pagitan ng dalawang doses ng kanilang bakuna.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sumulat na kanila ang Gamaleya para hilinging amiyendahan ang EUA.
Naghihintay sila ng scientific data para malaman kung maaaring pahabain ang interval ng pagitan ng dalawang doses.
Noong Marso nang ipagkaloob ng FDA ang EUA sa Sputnik V, kung saan ang interval sa pagitan ng una at pangalawang dose ay 21 araw o tatlong linggo.
Samantala, inanunsyo rin ng FDA na ang Bharat Biotech ng India ay nakapagsumite na ng kinakailangang dokumento, kabilang ang certification for good manufacturing practice.
Ang Bharat Biotech ay nabigyan ng conditional EUA noong Abril.
Nakapagpasa naman ng preliminary data ang Novavax vaccine sa FDA at hinihintay pa ang ibang requirements bago ipagpatuloy ang evaluation.