Game 1 ng UAAP Women Volleyball Finals, aarangakada na mamaya

83

UAAP – Aarangakda na ang game 1 ng UAAP season 79 Women’s Volleyball Tournament best-of-three finals sa pagitan ng De La Salle University at Ateneo De Manila University sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Lady Spikers at Lady Eagles alas-4 ng hapon habang magtutuos sa hiwalay na laban sa alas-12 ng tanghali ang Ateneo at National University sa men’s best-of-three showdown.

Ito ang ikaanim na sunod na taong maghaharap ang Lady Spikers at Lady Eagles sa finals.

Hawak ng Ateneo ang 2-0 bentahe laban sa La Salle sa season na ito.

DZXL558

Facebook Comments