Michelle Madrigal, buntis na

157

Manila, Philippines – Preggy na ang aktres na si Michelle Madrigal.

Ibinahagi ni Michelle at ng kaniyang American boyfriend na si Troy Woolfolk sa kani-kanilang instagram account ang pagbubuntis ng aktres.

Batay pa sa post ni Michelle, sinabi nitong nakaranas siya ng tatlong buwang pagsusuka at pagkahilo at nakabed rest lang sa loob ng halos isang buwan.

Masaya rin raw sila ng kaniyang boyfriend para sa kanilang magiging anak na isisilang sa November.

Nakasaad pa sa post ni Michelle ang mga hashtags na #13weeks #preggodiaries #roadtomotherhood.

 

Facebook Comments