GAME ONE | Alab Pilipinas, wagi kontra Saigon Heat; 110-100

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng Alab Pilpinas ang Saigon Heat sa game 1 ng kanilang quarterfinals series sa Asean Basketball League (ABL) na ginanap kagabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tinalo ng Pilipinas ang Saigon sa score na 110-100 kung saan nanguna sa panalo ng Alab si Ray Parks Jr. na may 24-points habang nag-ambag naman si Justin Brownlee ng 22-points at 11-rebounds.

Sa simula pa lamang ng laro ay hawak ng Alab Pilipinas ang kalamangan at hindi na nila hinayaan pa na makatabla ang Saigon Heat.


Gaganapin naman ang game 2 ng best of three series sa pagitan ng dalawang team sa home court ng Saigon sa Sabado (April 7).

Facebook Comments