Gaming shares sa bansa, bumagsak matapos ang Resorts World incident

Manila, Philippines – Matapos ang pag-atake sa Resorts World Casino and Hotel, bumagsak ngayon ang gaming shares.

Batay sa tala ng Philippine Stocks Exchange – 8.82 percent o P3.10 ang bumagsak na shares ng travelers international hotel group na operator ng Resorts World.

Samantala, bumaba naman ng 3.27 percent P9.77 ang shares ng City of Dreams Operator Melco Resorts and Entertainment habang ang shares ng Solaire Operator Bloomberry Resorts ay bumaba ng 1.02 percent o P9.75.


Ayon sa mga analysts, nakahinga ng maluwag ang mga investors matapos sabihin ng mga otoridad na walang kinalaman sa terorismo ang insidente sa Resorts World.

Inaasahan ang pagbaba ng ibang gaming shares at posibleng epekto ng pangyayari sa casino hotel bookings pero nananatili naman umanong malakas ang gaming industry.
DZXL558

Facebook Comments