Gamit ng Rebeldeng Grupo, Narekober sa Mt. Province

Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga awtoridad sa inabandonang kampo ng Communist Terrorist Group New People’s Army ang ilang kagamitan ng grupo sa Ambagiw, Besao, Mountain Province kahapon, Setyembre 19, 2021.

Batay sa ulat ng PNP Besao, ang nasabing kampo ay nagsisilbing training ground ng mga makakaliwang grupo.

Sa ginawang inspeksyon sa lugar, narekober ng mga awtoridad ang mga nahukay na kagamitan at mga pagkain gaya ng humigit kumulang pitong kilong buto ng monggo at white beans na nakalagay sa garapon at container, harina, isang lighter, isang vial na anesthesia at isang bombilya.


Ang pagkakadiskubre ng mga gamit ay resulta ng pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa komunidad bilang suporta ng mga ito para sa tuluyang wakasan ang insurhensiya.

Matatandaan na taong 2019 ng aprubahan ng konseho ng LGU Besao ang isang resolusyon na nagdedeklarang persona-non-grata ang CPP-NPA-NDF sa kanilang bayan.

Facebook Comments