Resulta ito ng patuloy na pagsisikap ng tropa ng pamahalaan na wakasan ang insurhensiya sa bansa laban sa mga rebeldeng grupo.
Magkatuwang ang Isabela Police Intelligence Unit, San Mariano PNP, 201st RMFB2, RIU 2 at CIDG Isabela PFU sa pakikipagtulungan ng 86IB, 95IB, at 502nd Brigade, Philippine Army sa matagumpay na pagkadiskubre sa gamit pandigma gaya ng dalawang (2) Rifle Grenades, isang (1) M1 Garand rifle without Butt Stock, isang (1) Upper Receiver of M16A1 Rifle, isang (1) Upper Receiver ng M2 Carbine, body parts of 12-Gauge Shotgun at isang (1) CTG’s flag.
Naging posible ang nangyaring pagkakatagpo sa mga kagamitan ng rebeldeng grupo matapos ipagbigay alam ni alyas “Jepoy” ang impormasyon kung nasaan ang mga nakatagong gamit pandigma.
Ikinustodiya pansamantala sa 1st IPMFC Headquarters ang mga gamit para sa kaukulang dokumentasyon.