Iligan, Philippines – Tiniyak ni Vice President Leni Robredo sa kanyang pagbisita kahapon sa isang evacuation center sa Balo-I Lanao Del Norte na bibigyan niya ng gamit pang-eskwela ang iilang mga displaced learners na hahabol pa sa kani-kanilang mga klase.
Itoy sapagkat hanggang ngayon dahil sa kahirapan at sitwasyon na dinadaan nila sa gulong nangyayari sa Marawi City walang nabili at maibili ang kanilang mga magulang para sa kanilang gamit sa klase.
Ayon kay Robredo parating na ibat-ibang evacuation centers sa Lanao del Norte at Iligan City ang pinahanda niyang school supplies para sa mga displaced learners.
Sinisiguro rin ni Robredo na may pundo at magamit na mga tents ang DepEd Iligan para sa kanilang temporary shelter na komportable at may masisilungan ang mga kabataan sa kanilang pagpasok sa klase.