Mahigit P1-million na halaga ng shabu narecover ng Danao City police sa Cebu

Cebu Philippines – Na-recover ng mga otoridad ng Danao City Police Station sa kanilang isinagawang raid ang 120 grams na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 1.4 million pesos .

Arestado din sa nasabing raid ang pitong mga lalaki na nakunan ng 17 -mga armas.

Ang pitong mga suspek ay sanampahan ng kasong illegal possession of fire arms,habang ang lima nito ay sinapahan ng kasong paglabag sa republic act. 9165 or comprehensive dangerous drugs act of 2002.


Ang raid ay ginawa sa bisa ng 11 search warrant na inisyu ni judge Jerry Dicdican sa RTC branch 5 sa Danao City Cebu.

Facebook Comments