Gamit Pangkabuhayan, Ipinamahagi sa Higit 100 TESDA Graduates

Cauayan City, Isabela- Ipinagkaloob na sa mahigit 100 na TESDA graduates ang mga gamit pangkabuhayan na tulong para sa mga estudyanteng nagtapos ng kanilang TESDA program noong taong 2019.

Ipinamahagi ng nasabing ahensya sa nagtapos ang mga gamit tulad ng Carpentry tools, Electrical Tools, Welding Machine at Sewing Machine.

Ipapamigay sana ang mga ito noong nakaraang taon subalit naantala dahil sa COVID-19 pandemic.


Pinangunahan ni Regional Director Archie A Grande, CESE ng TESDA R-02 maging ang lokal na pamahalaan ng San Mariano, Isabela sa pangunguna ni Vice-Mayor Dean Anthony G Domalanta at Major Oscar Blanza ng 95th Infantry Battalion ang pamamahagi ng mga gamit para sa pangkabuhayan ng mga nagtapos sa TESDA.

Handa naman ang tanggapan ng TESDA sa mga nagnanais na linangin ang kanilang mga kakayahan at talento upang mapabilis ang kanilang pag-hahanap ng trabaho sa lokal man o sa ibang bansa.

Nagpapasalamat naman sa TESDA ang bise alkalde ng San Mariano na si Hon. Dean Anthony G Domalanta sa libreng pag-aaral at kagamitan na ipinagkaloob sa kanyang mga kababayan.

Inihayag naman ni Major Blanza na bilang bahagi ng Project Pagsibol, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng 95th IB katuwang ang LGU San Mariano at ng TESDA sa pagpapatupad ng EO-70 sa pamamagitan ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) –Isabela at PTF-ELCAC lalo na sa mga conflict-affected barangay ng San Mariano, Isabela.

Facebook Comments