Gamot na remdesivir na pangontra sa COVID-19, inaprubahan na ng gobyerno ng Taiwan

Inaprubahan na ng gobyerno ng Taiwan ang remdesivir bilang gamot sa COVID-19.

Ayon sa Central Epidemic Command Centre (CECC) ng Taiwan, kinilala na ng Food and Drug Administration (FDA) ng nasabing bansa ang pagiging epektibo ng naturang gamot na gawa ng Gilead Sciences Inc.

Pinayagan na rin ang paggamit ng remdesivir sa Japan at United Kingdom kung saan sinimulan na itong ibigay sa mga pasyente.


Sa ngayon, wala pa ring aprubadong bakuna para sa COVID-19, pero sinimulan na ng ilang European Union countries ang paggamit ng remdesivir.

Samantala, umabot na sa higit 6.1 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Higit 2.6 milyon dito ang naka-rekober habang 372,035 ang nasawi.

Facebook Comments