NBA Legend Michael Jordan, nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing black African-American na si George Floyd

Nagpaabot ng pakikiramay si National Basketball Association (NBA) Legend Michael Jordan sa pagkamatay ng black African-American na si George Floyd.

Ayon kay Jordan, malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni Floyd sa mga mamamayan ng US kung saan nagdulot pa ito ng gulo sa ilang panig ng bansa.

Iginiit din niya na hindi na dapat maulit ang ganitong pangyayari at magkaisa na ang lahat para mabigyang-hustisya ang mga nabibiktima ng diskriminasyon.


Si Floyd ay nasawi matapos itong daganan ng pulis sa leeg gamit ang tuhod nito nang arestuhin dahil sa kasong forgery.

Facebook Comments