INAASAHANG 10 libo katao ang makakabenepisyo sa apat na araw ng medical mission na inilunsad ng Integrated Prov’l Health Office at Mag. Prov’l Hospital sa bayan ng Datu Hoffer.
Sinabi ni Chief of Hospital PHO 2 Dr. Tahir Sulaik na ito na ang ika-14 taong beses nilang ginawa ang “Harirayang Handog” Gamutang Pangkalahatan para sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Sulaik, layunin nila na bigyan ng pagkakataon na pagsilbihan ang mga mamamayan na makapagpagamot ng libre sa tulong ng PhilHealth.
Hindi lamang taga Maguindanao ang nagtutungo sa tuwing ginagawa ang libreng gamutan dahil dumadayo rin sa kanila ang mga pasyentng nagmumula pa sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato, Lanao del Sur at Cotabato City, dagdag ni Sulaik.
Tampok sa gamutan ang minor at major surgery, blood donations, tooth extraction, tuli, free chech-up at gamot, lecture on adolescence, pregnancy, CT scan, Ultra Sound, X-Ray at maraming iba pa.
Kasabay ng pagbubukas ng programa kahapon ang soft opening ng Hemodialysis Unit na inaasahang mapakikinabangan ng husto ng mga pasyente.
Ang libreng gamutan ay magtatapos hanggang sa katapusan ng buwan August 31, 2018.