Gamutang Pangkalahatan ng IPHO Maguindanao umarangkada na!

Nagsimula na ang pagbibigay ng libreng medical services sa lahat ng mga residente ng Maguindanao kasabay ng 4 na araw na Gamutang Pangkalahatan sa compound ng Provincial Hospital sa Datu Hoffer Ampatuan.

Kabilang sa medical services na ipinagkakaloob ng IPHO ay cataract surgery, breast mass surgery, goiter surgery, tumor surgery, ligation, vasectomy, CT scan, cancer screening, laboratory services, xray at ultrasound, libreng check -up, eye examination, bunot ng ngipin at libreng gamot.

Ito na ang ika- 14 na taong inisyatiba ng IPHO Maguindanao bilang Harirayang Handog sa pangunguna ni Dr. Tahir Sulaik, Health Officer ng lalawigan.


Kaugnay nito hinihimok ni Dr. Tahir Sulaik ang kanilang programa, itoy bukas di lamang para sa mga taga Maguindanao mgaing sa kalapit lalawigan.

Suportado naman ng Provincial Government ng Maguindanao ang magandang inisyatiba ng IPHO.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments