GANAP NA INA! | Dating Sexbomb dancer Sunshine Garcia – nanganak na!

Manila, Philippines – Isa nang ganap na ina ang Banana Sundae Star at dating Sexbomb Dancer na si Sunshine Garcia

Ito ay makaraang magsilang si sunshine sa isang malusog na baby boy kahapon, Sept. 10, sa St. Lukes Global City sa Taguig.

Ipinost din ni Sunshine sa kanyang instagram ang larawan ng kanilang anak mula sa kanyang fiance na si Alex Castro.


Maging si Alex ay nagpost din ng larawan ng kanilang baby at nagpasalamat sa mga nagdasal para sa ligtas na panganganak ni shine.

December 17, 2017 nang na-engage sina Sunshine at Alex habang may 31 nitong taon ng kumpirmahin ng sexbomb dancer ang pagbubuntis niya.

Facebook Comments