NAGPEPREPARA | North at South Carolina – naghahanda na sa pagtama ng Hurricane Florence

Lubos ang paghahandang ginawa ng Estado ng South at North Carolina sa Amerika kaugnay sa pagtama ng Hurricane Florence.

Ayon kay North Carolina Governor Roy Cooper, “bull’s eye” sila ng kinakatakutang malakas na bagyo kaya binawi muna nito ang agricultural transportation restrictions para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Kaugnay nito, tinatayang isang milyong residente na ang pinalikas ng mga otoridad bago pa man ang inaasahang landfall ng napakalakas na bagyo sa Huwebes.


Sa ngayon ay nasa category 4 na ang hurricane florence na taglay ang hangin sa bilis na 130 miles per hour, at posible umanong umabot pa sa category 5.

Facebook Comments