GANDA NG ISLA | Boracay, muling bubuksan sa Oktubre

Aklan – Bubuksan na muli sa publiko ang isla ng Boracay sa October 26.

Ito ang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources matapos ang ilang buwang rehabilitasyon sa isla.

Iginiit ni Cimatu, malaki na ang ipinagbago ng Boracay.


Aniya, hindi na ito cesspool o tapunan ng dumi ng tao tulad ng bansag noon ni Pangulong Rodirgo Duterte.

Bukod sa ginagawang paglilinis, nilawakan din aniya ang mga daanan at inalis ang mga iligal na estruktura

Samantala, pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na gawing sampung dolyar ang P75 na environmental fee na sinisingil sa kada turistang pumupunta sa isla.

Facebook Comments