WEATHER UPDATE | Maghapong pag-ulan sa Luzon at Metro Manila, asahan ngayong araw

40

Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Gardo, pinalalakas nito ang hanging habagat.

Asahan ang maghapong ulan sa halos buong Luzon kasama na ang Metro Manila.

Buong araw ding uulanin sa Visayas lalo na sa isla ng Panay at Negros.

Sa Mindanao, may maghapong ulan sa Sulu Archipelago, Zamboanga Peninsula, ARMM at Soccsksargen.

Sunrise: 5:32 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi

Facebook Comments